SIGAW NG LABAN

Nag-init ang Capital1 Solar Spikers sa kanilang kampanya sa 2026 PVL All-Filipino Conference matapos nilang patumbahin ang ZUS Coffee Thunderbelles sa isang 4-set game nitong Martes sa Playtime FilOil Centre sa San Juan City.

Umiskor ang Solar Spikers ng 25-17, 25-16, 15-25, at 25-19 upang makuha ang kanilang unang panalo sa Conference.

Pinangunahan ng star spiker na si Bella Belen ang Solar Spikers, na nakapagtala ng game-high 26 puntos mula sa 24 attacks at dalawang service ace dinagdagan niya din ito ng 16 excellent digs at 7 excellent receptions.

Nagbanta ang Thunderbelles na itulak ang laban sa isang deciding set. Ngunit hindi ito natupad dahil sa isang mapagpasyang 9–0 run ng Solar Spikers na nagbaligtad sa 13–17 na pagkakaiwan tungo sa 22–17 na kalamangan ng Capital1. Nanatiling walang awat si Belen na naghatid ng magkasunod na puntos bago gumawa ng attacking error si Arroyo upang tuluyang maselyuhan ang panalo ng Solar Spikers.

Balanseng scoring outputs ng Solar Spikers ang isa ring susi sa kanilang panalo. Nag ambag si Shaya Adorador ng 14 puntos at 7 excellent receptions, si Ysa Jimenez naman ay nakapagtala ng 13 puntos, habang si Pauleen Gaston ay nagdagdag ng 10 puntos.

Samantala, ang ZUS Coffee ay pinangunahan ni Thea Gagate, na nakapagtala ng 15 puntos mula sa 10 attacks at limang blocks.

Susubukan ng Capital1 Solar Spikers na makuha ang kanilang pangalawang panalo laban sa Nxled Chameleon sa Sabado, 6:30 PM.


Matapos maganap ang Provincial Meet 2026, muling haharap sa mas matinding hamon ang mga atleta ng probinsiya ng Abra sa nalalapit na Cordillera Administrative Region Athletic Association (CARAA) Meet 2026 na magtatagal mula Pebrero 22 hanggang 27 sa La Trinidad, Benguet.

18- araw ang inilaan para sa bakbakang intensive training ng koponang binubuo ng 579 na atleta at 110 coaches mula sa probinsiya ng Abra.

Manunuluyan pansamantala sa mga paaralan sa Bangued ang mga atletang malalayo ang lugar upang mas mapagtuunan ng pansin ang kanilang preparasyon para sa kompetisyon.

Sa patuloy na paghahanda, umaasa ang Mighty Weavers na muling makakapag-uuwi ng medalya para sa probinsiya at makamit ang matagumpay na kampanya.

1771753572

  days

  hours  minutes  seconds

until

CARAA 2026

  • 0
  • 0
  • 0
  • 0

Leave a Reply